Cherreads

The Prettiest Maldita [ UNIVERSITY SERIES #1 ] [ COMPLETED ✔️ ]

MahdiKudto
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
558
Views
Table of contents
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

WARNING!

Read at your own risk. This story is for people purposes that was like to read a novel only. Not prohibited, not plagiarized, not llegal. But this is a mere of fictional. Don't be toxic! Okay!

NOTE:

Gusto ko lang sabihin sa inyo na ang nobela kong ito ay naisulat na noong year 2019 pa. Hindi ko lang alam ang eksaktong buwan at petsa ngunit sa 2019 ko siya sinimulang isulat dito sa Wattpad world. Ngayon ko lang ulit ipa-publish itong nobela kong ito kaya sana po ay suportahan ninyo ako sa paglalakbay ko bilang isang author at writer dito sa Wattpad world.

Thanks a lot!

Ito po ang kauna-unahan kong isinulat na akda. Kaya pagpasensiyahan niyo na lamang po ang mga maling mababasa niyo. Itong kuwento na ito ay sumasalamin sa mga pananaw ng manunulat. Ito ay angkop sa sariling imahinasiyon ng kaniyang isipan. Kahit ano pa man ang pagkakahawig sa mga naunang istoriya ay hindi sinasadiya at nagkataon lamang.

Prologo

Kararating ko lang sa school ng may tumawag sa akin.

"Hey, Venus. You're almost late." Ngumisi ito at kumindat.

"Who are you?" Mula sa sapatos hanggang mukha ko siya tiningnan.

Hindi sa nangiinsulto ako pero mukha siyang hindi naligo. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Ganiyan ang tunay na maldita. Hindi nagsisinungaling.

Well iba naman talaga kapag sikat ka. Ang daming nakakakilala at humahanga sa'yo. Ngunit ang isang iyon. Masiyadong pa-epal. Close ba kami? Dzuh ang pangit niya literal.

As if naman na papatulan ko ang ganung lalaki. Mahiya nga siya. Para siyang patay na daga sa amoy ng kili-kili niya. Tsk bulok. Nagtatawas ba iyon? Darn it.

Kinuha sa pocket ang phone at ka agad na tinawagan si Nam. "Hello, Nam. Where are you? Bakit ang tagal mo?" Umirap sa itaas at bumuntong hininga.

"Malapit na ako." Ngumisi siya.

"Saan ka na pala banda?" Umikot nang sandali habang nakapamaywang ang tindig.

"Papasok na ako nang main gate, Beshie." Nasa tinig niya ang pagkagalak.

"Hihintayin na lang kita dito sa gymnasium. Dito ka na lang dumiretso okay." Dahan-dahang umupo sabay whistle.

Habang hinihintay siya. Nilibot ko muna ang malaking gymnasium. Hindi naman ako sa ignorante ngunit napakalaki talaga nito. Anyway galing ako ng states. Umuwi ako sa Pilipinas sa lungsod ng Brayzen City para dito

na magaaral for senior high school. Nang bigla akong matigilan sa pagsasalita.

"Venus?" Boses babae.

Mukhang si Nam na iyon. Ang laki talaga ng bunganga niya.

"Beshie, where are you?" Lumalakas at humihina ang boses.

Nandito na ako sa kinatatayuan ko kanina. Malayo pa ay nakita ko na siya.

"Hey, Nam. Nandito ako. Kinawayan iyon na may diing ngiti.

"Hello, Beshie. Good morning. It's been one week ago at ngayon lang ulit tayo nagkita. And by the way, you look so beautiful and elegant." Bumungad itong nakangiti at ka agad ding

niyakap ako ng mahigpit.

So nagyakapan kami ng sandali. I hate dramatic people but I need to do this because she's my loyalty bestfriend ever.

"Thanks a lot for praising me, Nam. Ikaw rin naman. You look so graceful." Kinindatan siya sabay hawak ng kamay nito.

"Thank you, Beshie!" Sa hallway na kami.

"You're welcome, Beshie!" Nginitian ko na lang siya.

While naglalakad kami sa hallway. Pinagtitinginan at pinaguusapan kami ng mga kapuwa naming magaaral.

Ganiyan nga. Mainggit lang kayo ng mainggit. Just claim it na hanggang tagapaghanga ko lang kayong lahat.

Such a poor students!

O hindi ba certified ma-attitude!

"Iyan na ba yung galing sa states?"

"Oo siya nga."

"Wow ang ganda naman niya."

"Sinabi mo pa. Sino nga yung pangalan niya?"

"Sino? Yung babaeng naka gray ang damit? O yung napaka attractive na babae?"

"Yung napaka ganda."

"Sino nga iyon? Sandali isipin ko muna. Ah---S-s-si, Venus."

"Siya pala si, Venus. Ang maldita na babae at matalino!"

Oops narinig ko iyon. Well natutuwa naman ako dahil kilala niyo ang pagkatao ko. So no need na ipakilala ko pa ang sarili ko.

"Oo siya nga."

Palibhasa ay sikat. Kaya mabilis kong nakuha ang atensiyon nila. Besides lahat ng mga pinag sasasabi nila tungkol sa akin ay naririnig ko. Subalit hinahayaan ko na lang sila. Kung alam nila ang ugaling meron ako. Alam din nila kung saan sila lulugar.

Mga itchuserang palaka!

"She looks so stunning."

"Akin ka na lang, Venus." Sigaw pa nung kalbo.

No way. Yuck. Mahiya nga siya. Ewww kadiri.

"Wow maslalo siyang gumanda."

Aba'y dapat lang!

"Uy tingnan niyo bumalik na si, Venus."

"Saan? Saan?"

"Iyon o."

Hirap kasi sa mga lalaki madaling mapaamo. Dumaan lang ako may natumba na. Ganon na ba talaga ako ka ganda para himatayin sila? Well who knows?

"Yung naka white ang damit na may pagka kulay gatas na kumikinang."

"Simple but eligant."

"Wow oo nga no. Maganda na nga, matalino pa. Wala na akong masasabi pa tungkol sa kaniya."

Kahit kailan talaga mahirap maging maganda. Ang daming na iinlove e.

"Kasi nga nasa kaniya na ang lahat."

"At higit sa lahat sikat pa."

"Tama! Sana ako na lang siya."

What? No way! Hindi mo ako ka level girl! Kaya mahiya ka sa sarili mo. Hindi pasok sa standards ko yang kapangitan mo.

Mukhang Pig!