Cherreads

ink, blood and country

OrangeTV
--
chs / week
--
NOT RATINGS
674
Views
Table of contents
VIEW MORE

Chapter 1 - prologue

Nag simula nang umalingaw ngaw ang sigaw ng mga pilipinong nagnanais ng kalayaan, sawa na sa paniniil ng mga manlulupig na banyaga. Tila mga ibong gustong kumawala sa matagal na pagkakakulong. Gustong kunin ang sadyang kanya. At dahil sa mga aklat ni Dr. Rizal ay tila mo'y tuyong talahiban na nilapatan ng apoy, lalong sumiklab ang damdamin ng mga pilipino na makalaya sa espanya. Nang dahil dito napilitan ang mga espanyol na arestuhin si rizal sa salang rebellion sa espanya. Inilayo sya at dinala sa isang liblib na kampo sa dapitan, dito nakahalubilo nya ang katutubong subanen. Namuhay sya kasama ang mga katutubong ito at dito ay inaral nya ang kuktura ng mga ito, tinanggap din sya ng mga katutubo at itinuring na kasapi ng tribo. Ibinahagi ni rizal ang kanyang mga kaalaman sa syensya at medisina na sya ikinamangha ng mga subanen. Payapa pa sa dapitan..malayo sa kalagayan ng mga tao sa maynila at mga karatig bayan nito, bagamat may mga gwardya sibil ay malaya kang makalabas at makakapagikot nang walang sisita sa iyo. Kaya naman hindi padin mapigilan ni rizal na mag isip na kung sana lang ay maging ganito ang buong pilipinas. May apat na taon din namalagi si rizal sa dapitan at sa maikling panahon na ito ay naging parte na sya nito...